Kapit Lang

Sa buhay , kung minsan dapat kang sumakay
Sa estribo ng jeep na punuan
Kung gusto mong makarating sa paroroonan.

Di masarap at kung minsan tagilid
Pero umaarangkada pa rin
Kaya kumapit lang
Kumapít ng mahigpit
At pasa saan ay darating ka rin .

May oras na umuulan na , wala pang masakyan
Ang meron lang ay punong punong bus at jeép.
Kung hinde ka sasakay ay baka maiwan ka sa ulan at baha
Di makapasok sa susunod na araw

Di madali at kung minsan delikado
Pero ikaw ay umaarangkada pa rin
Kaya kumapit lang
Kumapit ng mahigpit
At pasa saan ay aabot ka rin

O kababayan , tandaan may humahawak
Sa atin . Sa ating kamay at sa ating likod . Di mo man napapansin,andyan Sya.
Kapag tayo ay nasa estribo ng buhay.
Madulas o maka bitaw
Mayroon hahawak ng mahigpit sa atin

Para tayo makadating at magawa natin
Ang pagkatawag sa atin
Mahigpit ang Kanyang kapit
At pasa saan tayo ay aabot din .

Leave a comment