Tag Archives: president

Conditions to run

Sen Manny Pacquiao:

Senator Manny Pacquiao

Eto lang expectations ko sana sayo bago ka tumakbo sa pagka-presidente :

Aminin publicly na nagkamali ka sa pagsuporta kay D30 sa kanyang marahas na drug war-mas lalo na ang mga Death Squads at EJKs nya.

Tuligsahin si D30 sa pagmumura at pagsalangsang sa Ngalan ng Ama at Hesu Kristo. Irenounce ang pagiging Mason mo o kung ano aman yuong ginawa sa States with the Masons.

Huwag mangako ng libreng pabahay na walang pagkukuhanan ng pondo kungdi sa utang o sa buwis ng bayan.

Tapusin ang totoong 4 na taong College Degree o yung 2 years na Masters of PUblic Adminstration

Utusan ang asawa na tumigil na magpost ng magarbong pamumuhay. MAs mabuti siya ang manguna sa mga sociall amelioration agenda mo.

Kumuha ng matapat na Evangelical Chaplain , Civil Engineer, Accountant at Lawyer na matapang at di masisindak sa yaman mo.

Ayusin na ang kulang na buwis mo sa BIR – mag settle ka na at idiscuss mo sa media yuong gagawin mo para maayos ito.

Suportahan mo na lang muna ang matuwid at di bumigay na kandidato sa pagka-presidente . May panahon ka pa. Pwede sa 2028 o mag-run ka as Vice President para lumakas tyansya niya.